Linggo, Pebrero 24, 2013

3rd blog


                      

                                                 House Bill 6069

                    PRIVATIZATION OF GOVERNMENT HOSPITALS




House Bill No. 6069 pertains to, “AN ACT CONVERTING GOVERNMENT HOSPITALS INTO NATIONAL GOVERNMENT HOSPITAL CORPORATIONS PROVIDING FUNDS THEREFOR, and AND FOR OTHER PURPOSES”; while Senate Bill 3130 pertains to, “AN ACT INSTITUTING A CORPORATE RESTRUCTURING PROGRAM FOR NATIONAL GOVERNMENT HOSPITALS, PROVIDING FUNDS THEREFOR, AND FOR OTHER PURPOSES”


Ang pribatisasyon ay isang programa upang makalikom diumano ng dagdag na pera pantustos sa mga gastusin nito. Malaking pinatutunguhan ng pondo ng gobyerno ay para lamang sa utang nito na umaabot na sa P3.8 trilyon. Sa laki ng utang, pinakamalaking alokasyon sa kinikita maging ng kabuuang pondo ng gobyerno ay pambayad lamang dito. Sa P1.78 trilyong panukalang badyet ng national government para sa 2008, halos 25 porsyento ay magiging pambayad sa interes sa utang. Kaya't kaunti na lang ang natitira sa iba pang mga mahahalagang gastusin na dapat sana'y makapagpabuti sa buhay ng mga Pinoy. Hindi raw sapat ang kinikita ng gobyerno mula sa buwis kaya't kailangan nitong magdadag na pagkukunan ng pondo. Ang dagliang solusyon nito ay pribatisasyon ng ari-arian o kaya'y pampublikong serbisyo. Hindi lang mabawasan daw ang gastusin ng gobyerno para pantustos sa operasyon ng mga ahensyang naghahatid ng pampublikong serbisyo, may makukuha pa raw na dagdag na pondo mula sa pribatisasyon ng mga ari-arian at pampublikong ahensya/korporasyon. Sa ating naging karanasan sa pribatisasyon ngayon, karamihan ng na-isapribado ay mga kumikitang ari-arian at korporasyon ng gobyerno tulad ng Petron. Gustong kumita ng gobyerno, pero may problema yata sa istratehiya nito. Sinabi nga ni Senadora Miriam Santiago noong Huwebes sa ginawang pagdinig ng Joint Congressional Power Commission na ang dapat isapribado ay ang mga non-performing assets o hindi kumikitang ari-arian ng gobyerno.


Kaya ngayon, ang mga ospital na dati pang isinailalim sa korporatisasyon ay sumisingil ng malalaking bayarin. Halimbawa rito ang Philippine Heart Center kung saan lahat ng uri ng pagpapagamot ay hindi na libre. Noong nakaraang taon ay umabot sa 1,600 pasyente ang hindi naoperahan dahil sa kawalan ng pondo ng ospital. Nasa 20% na lamang ang kanilang mga charity bed na dati ay 70% noong 2010. Umaabot hanggang P10,000 ang bawat operasyon para sa mga nasa Class C at Class D na pasyente o iyong mga nasa hanay ng mahihirap na pasyente at walang kakayahang magbayad.Ang tunay na layunin ng nasabing panukala ay ang tuluyang pagsasapribado ng mga nasabing ospital at pagtalikod ng gubyerno sa obligasyon nito sa taumbayan. Kagimbal-gimbal ang implikasyon ng ganitong panukala laluna na sa mahihirap na mamamayan na hindi kayang magbayad sa ospital. Magiging negosyo na lamang ang serbisyo ng mga ospital sa halip na libre at abot-kaya.